Thursday, March 23, 2006

Windy Welly PART II

Kwentuhan ko ulit kayo ng ilang ko pang experience ng pakikipag-buno sa hangin ng Wellington... Ewan ko kung makakarelate kayo dito ha....

Naglalakad ako along Tory street one afternoon nang mapansin kong medyo lumalakas ang hangin at lumalamig. While walking, dali-dali kong kinuha ang beanie at scarf ko.

I'm about to cross VIVIAN St. na nun (magisa lang akong nakatayo, just waiting for my time to cross kasi naka-stop pa sa side ko), nang bigla ba namang umihip ang pagkalakas lakas na hangin. Grabe, promise ang lakas talaga. Sa sobrang lakas, napapa-side step ako (pagdi ko ginawa yun, tutumba ako). Natatawa nga ako sa sarili ko kasi kinakayan-kayanan lang ako ng hangin.... Nung makakita ako ng poste, pasimple akong sumandal hanggang sa mag-GO na kami.

Ang siste, dahil sa lakas ng hangin, pag inaangat ko ang paa ko, nililipad! Literally! Di tuloy diretso ang lakad ko - medyo pa-diagonal. Kakatawang experience.... I'm sure marami rin sa atin ang naka-experience niyan dito sa Wonderful WINDY WELLY!

Thanks for reading!

Thursday, March 16, 2006

Favorite Past-Time --- SHOPPING!!!

Para sa mga tulad kong mahilig mag-WINDOW shopping (window shopping lang ha! Hehehe), eto mga tip ko sa inyo kung sakaling mapapadpad kayo sa Wellington CBD:

Simulan natin sa Lambton Quay... Alam niyo ba na ang kahabaan ng street na ito eh puro shopping buotiques/commercial spaces on both sides? Nanjan ang mga women's shoppes like GLASSONS, Portman's... mini shopping centres (as compared to the Philippines!) like Farmer's, Kirkaldie and Stains, Harbor city centre... Meron din ditong bilihan ng mga NZ-made items like Sommerfield. Meron ding bilihan ng mga CD like Sounds. And syempre, me branch dito ang Champions of the World - dito nabibili ang mga jersey and other apparel and accessories ng "All Blacks" at Canterbury ang tatak. Well, meron ding mga familiar shoppes like Esprit, Platinum NIKE, AMAZON at Bench (hehehe... joke lang 'tong Bench!). Kung mapapagod ka naman sa pag-shopping, pwede kang kumain sa Mc Donalds at Burger King....

Next is Willis St...Naku, I'm sure sikat tong Street na 'to especially sa mga new migrants! Nandito kasi ang Kathmandu, New World grocery, Paddington Coat Factory, Billabong, JK kids shoppe at yung sikat na sika na FOOD on WILLIS (foodcourt toh.)... Hmmmm, bakit kaya sikat ang Food on Willis???


Lakad ka lang ng konti, you'll reach Manners' and Cuba Malls. Parang kapareho din toh ng mga shoppes sa may Lambton Quay... me MC Do at Burger King kung gusto mong mag-meryenda muna... Trivia: Alam niyo ba na ang Manners' at Cuba Mall are not like the malls in the Philippines??? They are just two short street at right angle with each other.... Me mga shoppes lang sa magkabilang side ng street at di pwedeng daanan ng sasakyan (exclusive for people lang).


Tutal nasa Manners' and Cuba Mall ka na, lakarin mo na papuntang Courtney Place...Ah, para sa akin, eto ang Malate ng Wellington. Marami kasing mga Bar at restaurant dito. Eto lang yung tanging part ng CBD na buhay hanggang late night (especially pag Friday), kasi nga maraming gimikan dito. Nandito rin sa area na to ang ilan sa mga cinemas and theatres na pwede mong panooran...At siyempre, sikat sa mga pogi at not so pogi nating mga friends... ang The Mermaid... Bakit kaya? hehehe. Ngapala, another TRIVIA: Courtney Place is actually a street!


Alam niyo ba na may isang street na magk-cross sa Courney Place na di mo dapat palagpasin??? Eto ang Tory street... Nandito kasi ang The Warehouse.. ewan ko kung saan siya pwedeng ihambing jan sa Pinas... Kung anu-ano kasi ang tinda dito eh - parang.... Anything! Oops, nandito rin ang ilang malalking warehouses like for electronic needs (TV, PC, appliances) - there's Harvey Norman (dito kami bumili ng LCD TV ni Partner) Bond+Bond, and Noel Leeming. Furnitures??? Meron din dito sa Tory - Big Save! Meron ding grocery dito - Moore Wilson.

Haaay, kakapagod mag-window shopping noh??? Dapat me commission ako sa mga stores na binanggit ko dito eh.. Hehehe.

Thanks for reading!

Thursday, March 02, 2006

PR Visa Granted!!!

This is the start of a new chapter in my life....just this morning, I received a text from Mon I na may dumating daw na letter for me from NZIS. Magkahalong excitement at kaba ang na-feel ko. Sabi ko nga ke Mon I and Jesselyn, it's either denied or granted... Then, they wanted to open the letter, sabi ko later na lang. I want to open it myself. Pero di talaga ako mapakali, not to mention the pang-aasar of Jess and Mon I. So we agreed na i-fax na lang nila sa akin yung letter kasi nasa office pa ako kanina. Two pages lang naman daw. So ok, they send it. Di bale nang sila ang unang makabasa. Malalaman din naman nila yun eh.

Ayun nga, nung mabasa ko yung title ng letter ng VO ko, gusto kong tumalon sa harap ng fax machine dahil sa sobrang tuwa. APPROVAL IN PRINCIPLE! My VO wants me to send my passport, plus pay a migrant levy of $300 para sa PR Visa. Wow! Ang saya noh?

Anyway, as I said, this is the start of a new chapter in my life - my life as a PR visa holder in NZ. Dami kong gagawin after this. Maraming aasikasuhin - settling in, my daughter's papers, our future. Pero alam ko naman, with God's grace and the help of the good people around me, kakayanin ko toh...

Special thanks to my Karori buddies - Mon I&Pinky Illana, Jun&Tina Yamog, Didith&Clark Figuracion, Alvin, MyrnaU&family, Jesselyn, Glen&Tina Torres, Ludger&Belle Zabala, Eugene(paparangi), Dolly (newlands).....and many more!! Thanks po for the warm welcome. Dami ko pang mga bagong nami-meet, thanks po sa lahat ng smiles and "howd'ya" do niyo. Thanks din to Achie, KU and the rest of the Auckland pinoys.

Sa Philippines, marami din akong papasalamatan pero baka di ko na mabanggit sa dami - syempre I'll start with Jon, my Baby, my family (for the support), my PLDT friends and badminton buddies, of course, Pinoyz2nz (dami niyo naitulong sa akin, thanks!), etc.

O ayan, pang-Famas ang speech ko ha....Hehehe. Sa mga nakalimutan ko dito, pasensya na po talaga.... Me pagka-malilimutin lang talaga ako. Hehehe.

JESS is in the Building!!!

Sa wakas, dumating na rin dito sa Wellington ang pinakamamahal nating PINOYZ2NZ moderator - Si Miss Jess. Kasama niya rin ang pamilya ni Beth&Noel. Siyempre, the day that they arrived, suguran agad ang mga ka-kosa niya sa house nila Mon I (where Jess will be staying)

Me impromptu potluck dinner kami to welcome their arrival. Maraming dumating, kahit di taga-Karori.

Kakatuwa to know na lumalaki na ang population ng Pinoyz dito sa NZ, especially, pinoyz2nz members.

To Jess and sa iba pang Pinoy na kakarating pa lang sa NZ, WELCOME! (O, ha, nagw-welcome na ako eh halos kakarating ko lang din... Hehehe.)