Thursday, March 15, 2007

My prayers answered

I was reading my old post entitled "Virtual Visitor." In the last paragraph, I mentioned na someday next year, di na ako magiging Virtual Visitor ng aking unica hija. I guess this time has come.. One of these days, uuwi na ako sa Pilipinas para sunduin ang aking baby at dalin na dito sa NZ. Grabe, after halos 1 1/2 years ng pagtitiis, magkikita na rin ulit kami in person... madadala ko na rin sya dito sa NZ... maish-share ko na rin sa kanya lahat ng blessings na tinatamasa ko dito.

Haaay, sobrang lapit na talaga... I could smell her from here na.

Yan lang po muna.
Thanks for reading this!

Monday, March 12, 2007

NZ Driver's License...Some How to's

Whew! Guess what?? My partner and I just passed the NZ Driver's License exam! Yahoo! Sa wakas! Haaay, sarap ng feeling!

Para po sa mga nagbabalak na kumuha ng NZ Full Driver's License, eto lang po ang kailangang gawin.

- Go to an AA outlet. Kung nasa Wellington ka, merong AA sa Lambton Quay, Porirua at Lower Hutt. My partner and I decided to go to the Porirua outlet since ito ang pinakamalapit sa J'ville.

- If you already have an overseas driver's license (Philippine non-pro is ok), you could just apply for a conversion from overseas to NZ full. May form ka na f-fill-up-an.

- Get ready for an eye exam. Mabilis lang to, papabasahin ka lang ng ilang letters. Sisiw. Hehehe. After that, prepare to sit for the theoretical exam. Kami ni partner, nag-exam na agad the same day na nagpunta kami. Tip ko sa inyo, basahin niyo lang ang NZ road code. Meron silang mahigit 200 na questions dun (with correct answers). Dun lang kumukuha ng mga itatanong sa exam. Scratch-type yung answer sheet ha, so be careful. Three or more mistakes and you'll fail.

- Once you've passed the theory, bibigyan ka nila ng temporary license. Restricted 'to, at naka-note na kung sakaling magd-drive ka, kailangan laging may supervisor sa passenger seat. Supervisor - any person holding an NZ full driver's license for at least 2 years. Then, magpapa-sked ka na for the practical exam. Sa case namin, it took us almost 2 months bago nakakuha ng practical exam. Dahil na rin sa availability namin at ng examiner. Just make sure na kung magpaparesked ka, do it at least 3 days before your exam.

Medyo nakaka-tense ang practical exam dahil binibigyan ng grade ang bawat kilos mo - how you drive, how you follow instructions, how you follow the road signs and rules, and how you react on certain road conditions. Nakaka-tense din dahil me mga examiners na mahigpit, merong mataray, etc. Meron din namang mababait. Just pray na lang na medyo lenient ang matapat sa yo.

Yan lang muna. Goodluck sa mga nagbabalak kumuha ng exam. Thanks for reading this!