Wednesday, November 09, 2005

My Medical Exam at St. Lukes Extension Clinic

This is my funny yet stressing experience at St. Lukes Extension Clinic....

For the benefit of those na nag-iisip-isip pa kung saan magpapamedical, share ko lang po itong experience ko sa St. Lukes Extension Clinic (SLEC).

November 4 kami nagpamedical. Ok nga dahil kahit holiday, meron silang clinic. At least di namin kelangang mag-leave sa office. Mga 7am pa lang yata nandun na kami. May mangilan ngilan na ring tao pero yung para sa New Zealand, pang number 1 and 2 kami ni Jon.

Anyway, mabilis naman po ang naging exam. Kahit magkakaibang floor ang xray, physical at blood extraction, sinasabi naman nila ang susunod na step so hindi ka rin maliligaw, I'm sure. Bale ang naging sequence of tests sa amin e, xray muna. Then punta kami sa Blood extraction room para sa lab tests at urinalysis. After non, vitals na. Then physical exam. Actually habang naghihintay ako ng turn ko sa physical exam, may result na agad ang urinalysis ko.
Sa Physical exam, mabilis din naman. Kahit dalawa lang ang doctor - isa para sa babae at isa para sa mga lalake. Di rin masyadong mahigpit ang nag-PE sa akin. Tinanong lang ako regarding dun sa mga sinagutan ko sa Form (puro naman NO, WALA PO, HINDI PO, NEVER PO ang mga sagot ko.), then PE na. As early as 9:30 am, tapos na kami sa lahat ng exam.

From 9:20 to around 12:15 noon, pinaghintay nila kami. Di nga namin alam kung bakit e. Anyway, after almost three hours of waiting, tinawag na ang name namin. For what? Binigyan kami ng claim stub. Sabi ng babae sa reception, balik daw kami ng November 8 (2-3 pm) para sa lab result at xray (second opinion). Huwaaat? Tanong ko, eto na ba yung result ng medical exam? Sabi niya, di daw, lab result lang at xray lang (kulit ko noh?). Yung finalized result e after 2-3 days pa from November 8. Huwaaat again??? Pinaghintay kami ng tatlong oras para lang sabihin ito? Anyway I asked again, since lab result lang naman, pwede bang tumawag na lang. Pupunta na lang kung sakaling may further tests pa na gagawin. (Me point naman ako di ba?) Sabi sa akin, 'kahit isa na lang muna sa inyo ang pumunta, then kung me further test saka na lang magpersonal appearance yung isa'. Ok to ha.

Anyway ulit, eto, bumalik nga ako kahapon. Saktong 2pm, nandun na ako. Pagkaabot ko ng claim stub, sabi nila, upo daw muna at tatawagin na lang ang name namin. Hulaan niyo what time tinawag ang name ko???? 6pm! Naka-ilang follow-up ako sa mga tao sa reception - laging sinasabi, wala pa raw yung para sa amin. Ayun nga, pagkatawag sa akin, sabi nung girl, OK na po ito. Wala namang problema. YES! Excited naman akong kunin ang result. Pero nawala na naman ang excitement ko nung sinabi niyang probably by Thursday ko pa makukuha ang result! Huwaaaat???? Haaay, hayaan na lang nga. Ang mahalaga, wala akong naging problema. Sana na lang pagbalik ko bukas para kunin ang result ko, di na ako maghintay ng 3-4 hours (Mga two hours lang siguro, ok na. Hehehe)

In fairness naman, mabait naman ang mga doctor at nasa reception ng SLEC. Napansin ko rin na hindi naman sila mahigpit sa mga tests. Ewan ko lang sa iba ha, pero I'm saying these based on my experience lang naman. Suggestion ko lang sa mga nagbabalak magpa-medical dito, magbaon kayo ng GAMEBOY ADVANCE, PSP, SCRABBLE, BARAHA, JACK AND STONE, PICK-UP STICKS, kung gusto niyo, dala kayo ng bilyaran para di kayo mainip. :-) Kahit inugat naman ako sa paghihintay dito, maire-recommend ko pa rin naman itong SLEC lalo na sa mga pasensyosong di tulad ko. Hehehe.

Hope me napulot kayong aral dito.
Grabe ang haba ng email ko, tinatamad akong basahin ulit!!! :-)

P.S. I have also posted this experience sa pinoyz2nz...

Tuesday, November 01, 2005

Ang PINOYZ2NZ…bow!

Nakilala ko ang grupong ito bandang June 2005. Kalagitnaan ng desperation ko na makahanap ng kahit sinong makakatulong sa akin sa pag-aapply ko sa New Zealand. Di sinasadyang nahagip ng mata ko ang salitang ito sa isang forum – hinanap ko tuloy sila sa Yahoo!Groups at sumali ako….

Dito na nagsimula ang kalutasan ng ilan sa mga problema ko….


ANG ALAMAT NG PINOYZ

Bago ang lahat, ano nga ba itong Pinoyz2nz? Actually, isa itong egroup. Base sa mga na-research ko (at sa kwento-kwento sa tabi-tabi), nagsimula daw ito sa magkakaibigang nagkakila-kilala sa ‘emigrate to nz’ forum, nagpasyang magkaroon din ng grand eyeball dito sa Pinas – gaya ng mga british counterparts nila. Lahat nga pala sila ay may isang goal – hulaan niyo nga??? Hehehe, op kors, to migrate to New Zealand!

Mabalik tayo sa kwento…Ayun nga, sinimulan ng magkakaibigang ito ang kanilang mga eyeballs – tinawag nila itong Philippine Meet. Less than 10 lang sila noon, ang alam ko. Sa tinagal-tagal, at sa dami ng mga nakikilala nila habang sila ay nagpapa-medical, nagpapa-interview sa Bangkok, etc., ayun, dumami ang mga myembro nito (Wala pang isang taon, kulang-kulang 600 na ang myembro!).

Ilan sa kanila, nakaalis na…Karamihan sa mga nagpasimula nito, may Visa na or naghihintay na lang ng kanilang Visa.

Mabalik sa akin…Nung time na sumali ako dito, nagpa-lista agad ako sa upcoming 6th meet nila sa Max’s. Nanghihinayang pa nga ako at 6th meet na ang maa-attend-an ko. Pero inisip ko na lang na from then on, di na ako aabsent sa mga meet na tulad nito.

DAMING BENEFITS

Walang biro, dami talaga nitong benefits. I’m sure maraming mag-aagree sa akin. Bigyan ko kayo ng ilang examples:

In less than a week pa lang ng pagsali ko dito, naipasa ko na agad ang EOI ko na April pa lang e, tapos ko na. Di ko lang maipasa dahil may ilan pa akong tanong na di ko alam kung sino ang sasagot. Nag-post lang ako sa common inbox namin at inulan na agad ako ng sagot. O, isa na yan.

Isa pa, dahil sa pag-attend-attend ko ng mga meet, dami kong natututunan. Mga gintong kaalaman (base sa mga experience ng mga myembro) na di mo mababasa sa NZIS! Hehehe. Kung minsan, kahit di mo itanong, yung sagot na ang lalapit sa yo.

I’m sure di lang ako ang natulungan ng grupong ito. Marami sa ating mga kababayan na nangangarap makarating sa NZ ang nakatipid dahil lang sa pagsali sa grupong ito. Bakit kanyo? Libreng consultant. Magpost ka lang ng mga tanong o issues na di mo masyadong maintindihan, mag-uunahan pa silang mag-share sa yo ng kani-kanilang opinion at karanasan. O, saan ka makakakita ng ganyan? Only in the Philippines! Syempre Walang Ganyan Sa Isteyts!

Dun ngapala sa mga natutunan ko, I’m proud to say na naish-share ko din sa ibang tao. Pay it forward kung baga. Kung ano man ang blessing at kaalaman na binabahagi nila sa akin, pinapasa ko naman sa mga baguhan pa lang. Kahit papano, kahit sa maliit na paraan, naibabalik ko ang mga tulong na natanggap ko.

Lahat ng pangangailangan mo when it comes to applying to New Zealand (kung minsan nga more than that), dito mo makikita – information, ka-batch, kasabay magpamedical, kapareho ng experiences, kapareho ng situation, kapareho ng VO, kakilala sa pupuntahang city sa NZ, etc.

Marami pa yan ha…Excited na lang akong banggitin tong pinakahuli at pinakaimportanteng benepisyo ng Pinoyz2nz sa buhay ko. Dahil sa grupong ito, nakatagpo ako ng mga tunay na kaibigan. Alam mo yun, yung mga tunay na taong may busilak na kalooban at handang tumulong sa nangangailangan. During your lowest times, dadamayan ka nila…At kapag nagtagumpay ka naman, nanjan sila para makisaya para sayo. Talaga namang mapagkakatiwalaan mo sa anumang bagay. Ready silang magbigay ng oras, pera, pagod, etc para lang makapag-share at makatulong lalo na sa mga baguhan. Haaay, nahahawa tuloy ako ng kabaitan sa mga taong ito…Hehehe.


ANG HABA NA NITO, BAKA TAMARIN NA KAYONG BASAHIN

To the founders and members of this heaven-sent egroup, MABUHAY KAYO….Mabuti ang cause ng grupong ito kaya alam ko hindi ito papabayaan ni Lord na basta mawala na lang.

Wala akong maisip na paraan para maipakita ko ang appreciation ko sa grupong ito at sa inyong mga nakilala ko sa grupo (either naka-eyeball ko na or nakaka-email or chat ko lang). Sana sa ganitong paraan man lang ay mapasalamatan ko ang mga pasimuno at lahat ng mga myembro ng grupong ito na tunay namang napamahal na sa akin…

Three cheers for PINOYZ2NZ!

Hep hep…HOORAY!
Hep hep…HOORAY!
Hep hep…HOORAY!