Nakilala ko ang grupong ito bandang June 2005. Kalagitnaan ng desperation ko na makahanap ng kahit sinong makakatulong sa akin sa pag-aapply ko sa New Zealand. Di sinasadyang nahagip ng mata ko ang salitang ito sa isang forum – hinanap ko tuloy sila sa Yahoo!Groups at sumali ako….
Dito na nagsimula ang kalutasan ng ilan sa mga problema ko….
ANG ALAMAT NG PINOYZ
Bago ang lahat, ano nga ba itong Pinoyz2nz? Actually, isa itong egroup. Base sa mga na-research ko (at sa kwento-kwento sa tabi-tabi), nagsimula daw ito sa magkakaibigang nagkakila-kilala sa ‘emigrate to nz’ forum, nagpasyang magkaroon din ng grand eyeball dito sa Pinas – gaya ng mga british counterparts nila. Lahat nga pala sila ay may isang goal – hulaan niyo nga??? Hehehe, op kors, to migrate to New Zealand!
Mabalik tayo sa kwento…Ayun nga, sinimulan ng magkakaibigang ito ang kanilang mga eyeballs – tinawag nila itong Philippine Meet. Less than 10 lang sila noon, ang alam ko. Sa tinagal-tagal, at sa dami ng mga nakikilala nila habang sila ay nagpapa-medical, nagpapa-interview sa Bangkok, etc., ayun, dumami ang mga myembro nito (Wala pang isang taon, kulang-kulang 600 na ang myembro!).
Ilan sa kanila, nakaalis na…Karamihan sa mga nagpasimula nito, may Visa na or naghihintay na lang ng kanilang Visa.
Mabalik sa akin…Nung time na sumali ako dito, nagpa-lista agad ako sa upcoming 6th meet nila sa Max’s. Nanghihinayang pa nga ako at 6th meet na ang maa-attend-an ko. Pero inisip ko na lang na from then on, di na ako aabsent sa mga meet na tulad nito.
DAMING BENEFITS
Walang biro, dami talaga nitong benefits. I’m sure maraming mag-aagree sa akin. Bigyan ko kayo ng ilang examples:
In less than a week pa lang ng pagsali ko dito, naipasa ko na agad ang EOI ko na April pa lang e, tapos ko na. Di ko lang maipasa dahil may ilan pa akong tanong na di ko alam kung sino ang sasagot. Nag-post lang ako sa common inbox namin at inulan na agad ako ng sagot. O, isa na yan.
Isa pa, dahil sa pag-attend-attend ko ng mga meet, dami kong natututunan. Mga gintong kaalaman (base sa mga experience ng mga myembro) na di mo mababasa sa NZIS! Hehehe. Kung minsan, kahit di mo itanong, yung sagot na ang lalapit sa yo.
I’m sure di lang ako ang natulungan ng grupong ito. Marami sa ating mga kababayan na nangangarap makarating sa NZ ang nakatipid dahil lang sa pagsali sa grupong ito. Bakit kanyo? Libreng consultant. Magpost ka lang ng mga tanong o issues na di mo masyadong maintindihan, mag-uunahan pa silang mag-share sa yo ng kani-kanilang opinion at karanasan. O, saan ka makakakita ng ganyan? Only in the Philippines! Syempre Walang Ganyan Sa Isteyts!
Dun ngapala sa mga natutunan ko, I’m proud to say na naish-share ko din sa ibang tao. Pay it forward kung baga. Kung ano man ang blessing at kaalaman na binabahagi nila sa akin, pinapasa ko naman sa mga baguhan pa lang. Kahit papano, kahit sa maliit na paraan, naibabalik ko ang mga tulong na natanggap ko.
Lahat ng pangangailangan mo when it comes to applying to New Zealand (kung minsan nga more than that), dito mo makikita – information, ka-batch, kasabay magpamedical, kapareho ng experiences, kapareho ng situation, kapareho ng VO, kakilala sa pupuntahang city sa NZ, etc.
Marami pa yan ha…Excited na lang akong banggitin tong pinakahuli at pinakaimportanteng benepisyo ng Pinoyz2nz sa buhay ko. Dahil sa grupong ito, nakatagpo ako ng mga tunay na kaibigan. Alam mo yun, yung mga tunay na taong may busilak na kalooban at handang tumulong sa nangangailangan. During your lowest times, dadamayan ka nila…At kapag nagtagumpay ka naman, nanjan sila para makisaya para sayo. Talaga namang mapagkakatiwalaan mo sa anumang bagay. Ready silang magbigay ng oras, pera, pagod, etc para lang makapag-share at makatulong lalo na sa mga baguhan. Haaay, nahahawa tuloy ako ng kabaitan sa mga taong ito…Hehehe.
ANG HABA NA NITO, BAKA TAMARIN NA KAYONG BASAHIN
To the founders and members of this heaven-sent egroup, MABUHAY KAYO….Mabuti ang cause ng grupong ito kaya alam ko hindi ito papabayaan ni Lord na basta mawala na lang.
Wala akong maisip na paraan para maipakita ko ang appreciation ko sa grupong ito at sa inyong mga nakilala ko sa grupo (either naka-eyeball ko na or nakaka-email or chat ko lang). Sana sa ganitong paraan man lang ay mapasalamatan ko ang mga pasimuno at lahat ng mga myembro ng grupong ito na tunay namang napamahal na sa akin…
Three cheers for PINOYZ2NZ!
Hep hep…HOORAY!
Hep hep…HOORAY!
Hep hep…HOORAY!
2 comments:
Feb 6, 2005 ang first meet ng P2NZ. Kasabay nito ang celebration ng Treaty of Watangi ng NZ.
Thanks for keeping the group's spirit alive. Mabuhay ang BAYANIHAN!
Thanks sa Trivia. Hehehe. Sa Feb 6 (holiday yata dito sa NZ), 1 year na tayo! Sana isabay din dun ang first major meet dito sa New Zealand. Syempre di ako aabsent. Hehehe. Sana simultaneous naman jan sa PH. Mas maganda kung naka-webcam tayo (or videocon) during that time...teka, magandang idea to a, mai-suggest nga sa mga organizers...Hehehe.
Post a Comment