Monday, December 05, 2005

VISA: FInally!

Sensya na po at ngayon ko lang officially ipo-post ang tungkol dito ha. Yes, na-issue na po ang WORK VISA ko last Nov. 22. Medyo may konting negotiations lang po with my employer regarding date of arrival sa NZ kaya nadelay ang pagpo-post ko dito. Sa lahat po ng interested, eto po ang ilan sa mga detalye ng immigration/work application ko:

June 2nd week: IELTS and NZQA result
June 23, 2005: EOI Selected
September 12: Decision Successful
September 15: ITA Received, Deadline is January 15, 2006
September last week: phone interview with HR
October 1st and 2nd week: videocon interview with the Manager(s)
October last week: Job offer (via DHL)
November 4: Medical Exam
November 14: Medical Result
November 16: First attempt to submit Work Visa application requirements (to the infamous Ms. Tomboy!)
November 17: 2nd attempt (success! kasi di si Ms. Tomboy ang VO that day. Hehehe.)
November 22: WORK VISA was issued
Tentative date of arrival to NZ: Supposed to be December 1st week pero ngayon, January 1st week na.

Regarding my Job Offer, medyo kapareho po ito ng current work ko dito sa PLDT kaya medyo naka-tsamba ako.


Tips ko lang po siguro sa mga jobseekers,

1. TRY AND TRY UNTIL YOU SUCCEED.

2. For ECEs like me, eto lang po ang tinatambayan kong websites:
www.telecom.co.nz
www.seek.co.nz
www.netcheck.co.nz

3. Basta post lang kayo ng post dito. Wag kayong magsasawa dahil baka maka-tyempo kayo ng employer na naghahanap ng fit sa skills, qualification at experience niyo.

4. Yung resume ko pong ginagamit sa pag-aaply, yun din yung dati kong resume na ginamit ko nung mag-apply ako sa PLDT 5yrs ago. Syempre maraming nadagdag pero yung format, same pa rin. Di ko lang alam kung may bearing ang style ng resume pero tingin ko, kung makita naman ng employer sa laman ng resume kung ano ang hinahanap nilang skills, tatawagan at tatawagan ka pa rin naman nila.

5. Sa Cover Letter ko naman po, nakalagay lang po yung summary ng resume ko (very brief!) at yung immigration status ko.

Ewan ko po kung me mapupulot kayo dito sa mga tips ko. Eto naman po eh base lang sa naging experience ko.

Hope this helps.

No comments: