Tuesday, January 31, 2006

Drawing ng Baby ko, 3yrs old Posted by Picasa

Tuesday, January 24, 2006

"OWLCATRAZ" Experience


OWLCATRAZ, Shannon, New Zealand – Ito ang isa sa una kong napasyalan dito sa NZ. Dinalaw namin ito last 23 January (Wellington Day). Isa itong native bird and wildlife park. Sanctuary ito ng ilang native owls ng New Zealand at iba pang mga hayop na ngayon ko lang nakita sa buong buhay ko - like a furry pig (kune pig), a giant brown cow and a giant white cow (I think!). Meron ding Lama, Deers (surprisingly, maamo ang mga deer dito! Kumakain sila sa palad mo.), Weka (muka siyang kiwi bird na kasing laki ng manok…and for a two-legged bird, mabilis siyang tumakbo ha!).

Meron din kaming pinasok na isang cave. Wairuru cave ang tawag nila. Pagpasok mo dito, wala kang makikita kundi darkness...and thousands and thousands of glowworms! Alam niyo kung ano yun? Ako hindi! Yung glow lang kasi nila ang nakita ko…Tiny circle glow, parang alitaptap yung liwanag na nanggagaling sa kanila. Nakakapit lang silang sa mga stalactites ng cave. Di ka pwedeng mag-ingay dahil baka mabulabog sila.

Isa pang napansin ko dito is yung mga pangalan ng mga owls. Eto ang mga pangalan nila, as far as I can recall it:

OWL CAPONE
OWL FALFA
OWLIVIA NEWTON-JOHN
OWLVIS PRESLEY
OWLE MACPHERSON
OWLMO

Gumastos ako ng $16 dollars as entrance fee pero worth naman kasi maganda talaga ang lugar.

Flying Foxxxxxxx!


How come walang ganito sa Pinas? Riding the Flying Fox is so fun! Di lang pambata, pati adult, mage-enjoy talaga! Palibhasa, first time kong nakasakay sa ganito kaya enjoy na enjoy talaga ako. One more good thing about it… It’s free! Grabe! Sa Pinas, bibilhin mo pa ang ganitong klase and/or level of enjoyment.

Ano nga ba ito? Kung id-describe ko (mahina ako sa description eh!), para siyang isang mahabang sampayan. Yung isang dulo, mas mataas ng ilang metro kesa sa kabilang dulo. Ang sasakyan? Pano ko ba id-describe? Parang inverted T-shaped metal. Yung horizontal section ang uupuan mo. Yung vertical section ang hawakan mo at protection na rin ng dibdib at tyan mo.


Parang pang-extra challenge ang ride na to! Pagdating mo sa lower side, babangga ang upper portion ng sasakyan mo so ang tendency, pumahagis ka (pero di ka naman made-detach dun sa rope na pinagkakabitan ng sasakyan mo, basta wag ka lang bibitawan sa vertical section na hawakan mo...). Then, dahil sa momentum, babalik ka sa pinanggalingan mo, up to the point na bumagal na ang sinasakyan mo. Physics rules, pag pababa, mas mabilis dahil sa gravity. Pag pataas, siyempre babagal ka na.

Sa mga nasa NZ na at di pa nakakasakay dito, you better try this. Ang saya talaga. Para sa akin, ito ang perfect alternative sa bungee jumping. Sa mga papunta pa lang dito sa NZ, try niyo to pagdating niyo. Ang saya talaga. Hehehe.

Monday, January 23, 2006

My Very First Wellington Bus Ride

Niyaya ako nila Mon I na maglaro ng badminton sa Karori Recreation Centre kaninang 2pm. Nagsuggest siya na mag-bus na lang ako from Lambton Quay to Karori Mall - Bus No. 12 daw ang sakyan ko. Binigyan niya pa ako ng Bus sked para guide ko sa pagsakay. Yung Karori Recreation Centre ay nasa likod lang ng Karori library - just across Karori Mall. Ok lang naman daw kasi may bus stop sa mismong tapat ng Karori Mall/Library - so madali lang daw matunton.

Around 150PM, nasa bus stop na ako. May nakita akong dumaan na Bus No. 12. Taka pa ako at di huminto sa bus stop na kinaroroonan ko. Taka talaga ako so I called up Mon and ask why. Sabi niya, parahin ko raw yung Bus dahil di raw hihinto yun kung di paparahin! Nyek, kaya pala....Kakahiya naman ke Mon I. Buti na lang siya lang ang nakakaalam nito (sabay pinost sa Blog noh?? hehehe). Ayun, so hintay na lang ulit ako ng susunod na byahe and this time, papara na talaga ako. Nyehehe.

After 10 mins, another Bus No. 12 arrived. Dali-dali akong tumayo sa bus stop - as instructed by Mon, tayo daw ako sa tapat ng Pastoral House Lambton Quay - proudly, pinara ko ang Bus. Nakita ko ang driver na itinuturo yung susunod na Bus stop. Ibig sabihin, doon siya hihinto. Takbo tuloy ako don. Buti na lang at may iba pang sasakay so hindi naman ako hinintay.

Pang-apat ako sa sumakay so nagkaroon ako ng chance na mag-observe sa mga sumasakay. Na-amaze ako sa nakita ko....

Yung driver, may sariling cash register! Hehehe. Cool! Anung sinabi ng mga bus driver sa Pinas? Bawat sumasakay, nagbabayad muna sa kanya (either cash or yung tinatawag na 10-trip ticket). Lahat nun e ip-punch niya sa cash register at lalabas ang resibo. Sabi ni Mon I, Bus ticket daw yon, pero tingin ko resibo eh. Hehehe.
Maluwag yung mga bus nila. At yung upuan, magkatalikuran. Ok diba? Sa harap ka lang pwedeng sumakay - common sense na kasi nandun ang bayaran diba? - pero pag bababa, harap at gitnang pinto, pwede.

Naibaba naman ako ng driver sa destination ko - Karori Mall/Library. Natunton ko naman agad ang sinasabi nilang Recreation Centre. Pagbukas ko ng pinto, nakita ko si Myrna U. Tuwang-tuwa ako (kasi alam kong di ako naligaw). Nasabi ko na lang na "Yes". So, on with the badminton game. (Special mention to Hayley, Rita, Faiga and Armi of Pinoyz2nz: iinggitin ko lang kayo, hehehe)

O yan na lang muna ha....Until my next New zealand adventure!

Special Hi to all Pinoyz2nz and Wlgnzpinoys members and moderators!

Thursday, January 19, 2006


Peace Bro! Posted by Picasa

Wednesday, January 18, 2006

"1200 steps"


Kanina, habang pauwi ako sa apartment, wala akong magawa....Napag-trip-an kong bilangin ang steps from my company to my apartment. Alam niyo kung ilan???

1200

Tuesday, January 17, 2006

NGES HU? - My All-time Favorite Joke

This is my all-time favorite Joke. I don't know who wrote this or where this came from but one thing's for sure, reading this will laugh your heart out. Happy reading!

"Minsan, umuwi ng maaga si Mister para sorpresahin ang
kaniyang kabiyak. Dahan dahan siyang pumasok sa kanilang bahay at hinanap ang
kaniyang Misis. Nakita niya itong abala sa pagluluto at di namalayan na siya ay
dumating. Maingat siyang lumapit sabay takip sa mga mata ni Misis sabay sabing
"NGES HU???" Sabi naman ni Misis, "Lintek, nges-hu nges-hu ka pa diyan,
ikaw lang naman ang ngongo dito!!!!!"

Sunday, January 15, 2006

Eto Naman ang New Zealand Adventure ko

This is the first time that I’ll be away from my family for a long time…the first time that I’ll be traveling overseas alone – on a 16-hour journey, with two stopovers. Now, don’t ask me how I’m feeling during that time, OK?

Day 1, 10 January 2006, Tuesday – 1745 at the airport, Gate 7 of NAIA terminal 2. While waiting for the flight attendants to call the passengers for boarding, I can’t help myself from crying. I took off my hankie at pasimpleng nagpapahid ng luha sa magkabilang sulok ng mata. Lalo pa akong naiyak habang nakaupo na ako sa loob ng eroplano. Wala na talagang atrasan ‘to. Iyak pa rin ako while texting my friend, saying goodbye, telling him to take care, I’ll miss him and to look after my daughter while I’m away. Then I turned my phone off.

1950 HK time when we arrived in HK International Airport. Upon arrival, lakad agad ako papuntang boarding gate naman ng susunod kong flight. I have to be there at 2045. Grabe, ang ganda ng HK airport. Malinis at malaki. Anyway, I thought I was early enough pero dahil ang laki ng airport, inabot din ako ng 2045 sa paghahanap. I was just in time for the passenger boarding. Kung sa MNL-HKG flight, marami akong pinoy na kasabay, sa HKG-AKL, apat na lang yata kaming Pinoy. Di pa nagkausap-usap.

Day 2, 11 January 2006, Wednesday – 1315 NZ time. T’was a delayed flight. Ok lang, 1300 pa ang next and last flight ko. What’s important is nasa NZ na ako. Problem comes when I realized that AKL is my point of entry to NZ so I have to present my docs to their immigration, have all my bags checked, and what’s worse, my connecting flight is not Cathay but Qantas and I don’t know where their checkin counters were. Ok lang, I said to myself. I can always ask around. Before claiming my HEAVY checkin bag, I passed by the NZ immigration booth and have my passports validated. Ok. No problem. Now to the checkin bag carousel. Haaay, 15mins had passed before my bag got out. But that’s not the end of the story. Before I was able to leave the airport, I have to go through the customs officers to check my Passenger arrival card – if I declared something there. Since I have not declared any questionable goods, I proceeded to the X-ray for the final test (to check if I’m lying about the declaration stuff). But I passed. Thank God.

The next problem arises. Where is Qantas Checkin Counter? Ive asked around and I have learned that it is in their Domestic airport which is a bus ride away from the international airport. Huwaaat??? It was already 1420H. Boarding time for my next flight is, I guess, 1430. And I have three bags then – 23, 8 and 4 kgs, plus two jackets and a small bag for my camera. Gosh! How am I gonna carry all those bags? To think that I still have to ride a bus to the domestic airport! This is trauma!

The bus came after 5 mins of waiting. Of course I can’t carry all my bags so some people, a Chinese and a Kiwi, I think , helped me get on the bus with all these bags. Going off the bus? Gosh, I needed help too. But walking from where I got off upto Qantas counter, I did it by myself. Gosh, my bags are too heavy.

Upon seeing my ticket, the attendant immediately issued a boarding pass and checked-in my heavy luggage. She said I have to hurry because it’s boarding time. I’m glad I still made it to my flight.

Tired of reading? Marami pa…

1405, I arrived at Wellington airport. Nervous and excited, I tried to look around for my boss (who’s the one to pick me up). Good thing that he was able to recognize me. He’s with an officemate at they both took me to the apartment (prepaid accommodation provided by the company). We took a short walk passed through the shops along Lambton Quay and The Terrace. After that, uwi na si Boss and I went back to the apartment and try to contact a friend. I need to contact someone (preferably a Pinoy!) after all these!

Ayun nga, ok naman kasi I got to meet familiar faces na. I had dinner with Mon I and his family. Konting kwentuhan. We tried to connect to the internet para makapag-chat or email ako sa Pinas. Kwentuhan ulit. Picture-picture. Medyo gabi na nun kaya hinatid na nila ako pauwi . Namili lang ako ng kaunting food for breakfast then I went back to my apartment. Watched some tv, then higa na. Iyak muna, syempre. I miss my family na agad kasi e.

Day 3, 12 January 2006, Thursday – 8am akong gumising. Konting ayos pa rin ng ilang gamit. Then around 10am, punta ako sa Westpac bank. Along Lambton Quay, walking distance lang daw. Yeah, long walking distance! E dulu-dulo ng Lamton Quay yun e. Malas, umuulambon pa. Brrrr, ang ginaw! Pagdating ko sa Westpac, they require me to present a proof of residence (or booking reference). Wala ako nun so I have to go back to the apartment and ask reception desk about it. Kung mga 1km ang layu ng apartment sa Westpac. It means, I’ve walked 3kms in 20mins! Way to go, Rhose!

1130 natapos ang transaction. Ok naman. But the thing is, di pa ako nagla-lunch and my boss will pick me up at the apartment around 12noon. First day…I mean first half day ko kasi sa Telecom. Huhuhu. Umabot naman ako sa apartment. Wala pa si boss so I had time na ayusin ang sarili ko – and to realize na 4 and not 3 kms ang nilakad ko.

1215, tumawag si boss. Meet ko na lang daw siya sa Westpac dahil malapit daw yun sa office. Nooooo! 5kms in roughly two hours. Not to mention the weather and my angry stomach. Gosh, I think this is my day. Pumayat na nga yata ako eh.

Anyway, my first day at work is not bad. I get to meet my team mates. They are all accommodating – welcomed me well. My boss is nice. Check this out…I was given my own cellphone, my Telecom email account, etc. Gosh, this really is my day. Hehehe.

Ikukwento ko pa ba? Wag na kaya? O siya sige na nga, mapilit kayo eh.

I got home around 5:30pm. ‘Just dropped my things and went to my next adventure – shopping. I have no food back in the apartment so I have to get some. New World Supermarket is highly suggested by my friends so I went there – with all my money, my cellphone, an extra jacket and a map on my hand.

New World Thorndon is big. It’s not that hard to find, too. I just picked some stuff that I need and went to the counter to pay for it. You know that “SOME” I was talking about? 22 Items weighing about 10kilos or more! Huhuhu. After paying for it, I realized that this is too heavy for me to carry – considering that it is roughly 1km away from my home. Tatawag sana ako ng taxi kaya lang umiral ang kakuriputan ko – baka kasi sa taxi lang mapunta ang naisave ko – so I decided to walk back home. Grabeh, ang bigat ha. Buti na lang walang Pinoy sa paligid. At kaunti na lang ang tao – maga-alas otso na nun. Kundi it’s either maawa sila or matawa sa hitsura ko. Para akong tibong kargador. Iniisip ko na lang ang linya ko just in case may magtanong sa akin kung bakit naglalakad ako with all those heavy stuff. I’ll just say…”I’ll just deliver this to the customer.” Hehehe.

Good news naman paguwi ko kasi, I received a call from the Philippines. It was my friend! I was so happy to be able to talk to him again. Kahit on the phone lang. Miss na miss ko na siya. Of course, my baby, too.

Wala munang pasyal-pasyal. Baka ‘di rin ako makapag-enjoy. Ala ang mga mahal ko e. Ay sus, ala daw oh! Sa Saturday ngapala, mukhang me pasyal with some Filipino friends. Syempre sasama ako. Wala akong gagawin dito sa haus e.

O siya inaantok na ako.

ATTENTION: Work Visa Holders

Palabas ka na ng bansa...Dala ang lahat ng bagahe...Nasa airport ka na't nagpapaalam sa mga kamaganak...After nun, ano na ang gagawin mo?

Eto, base lang po sa experience ko....Sana may matulungan naman ako.

Left-most side (malapit sa entrance ng mga sasakyan), nandun ang OFW Pre-checkin office. Upon arrival in the airport, with all your big bags at your hand, you have to go inside and have your OEC (Overseas Employment Certificate) validated. Pwedeng sumama sa loob yung maghahatid – para may tagabuhat ka ng bag. Hehehe. This will take only a few minutes kung walang pila. They will just put a stamp on you OEC and then you’re done.

For OFWs, there is a special entrance located just near the OFW Pre-Checkin Office. Go there and present your ticket, passport and stamped OEC to the guard. Just a few steps away, you have to fall in line for the X-ray of all your bags. This is an SOP everytime you enter the airport premises.

After the Xray, go to your respective Check-in counters. Get you Boarding Pass and have your bags checked-in.

Beside Cathay Pacific checkin counters is the entrance to the Boarding gates. Present your boarding pass to the guard in the entrance and immediately proceed to the OFW special booth at the leftmost side of the terminal fee counters. You just have to present your validated OEC and boarding pass. They will put a stamp on your boarding pass indicating that you’re an OFW and you’re exempted from the Terminal Fee (Php 550).

Next, go to the immigration booth. The line here is usually long. You have to present your embarkation card, passport/visa, boarding pass, and if needed, your validated OEC. The immigration officer will then put another stamp on your boarding pass.

After that, go to your respective boarding gates and you’re ready to go! Have a nice trip!

NOTE: I’ve been thinking about writing this while I’m on my 11-hour HKG-AKL flight. I’m glad I finally find the time to do it. Hope may matulungan naman ako dito.