
How come walang ganito sa Pinas? Riding the Flying Fox is so fun! Di lang pambata, pati adult, mage-enjoy talaga! Palibhasa, first time kong nakasakay sa ganito kaya enjoy na enjoy talaga ako. One more good thing about it… It’s free! Grabe! Sa Pinas, bibilhin mo pa ang ganitong klase and/or level of enjoyment.
Ano nga ba ito? Kung id-describe ko (mahina ako sa description eh!), para siyang isang mahabang sampayan. Yung isang dulo, mas mataas ng ilang metro kesa sa kabilang dulo. Ang sasakyan? Pano ko ba id-describe? Parang inverted T-shaped metal. Yung horizontal section ang uupuan mo. Yung vertical section ang hawakan mo at protection na rin ng dibdib at tyan mo.
Parang pang-extra challenge ang ride na to! Pagdating mo sa lower side, babangga ang upper portion ng sasakyan mo so ang tendency, pumahagis ka (pero di ka naman made-detach dun sa rope na pinagkakabitan ng sasakyan mo, basta wag ka lang bibitawan sa vertical section na hawakan mo...). Then, dahil sa momentum, babalik ka sa pinanggalingan mo, up to the point na bumagal na ang sinasakyan mo. Physics rules, pag pababa, mas mabilis dahil sa gravity. Pag pataas, siyempre babagal ka na.
Sa mga nasa NZ na at di pa nakakasakay dito, you better try this. Ang saya talaga. Para sa akin, ito ang perfect alternative sa bungee jumping. Sa mga papunta pa lang dito sa NZ, try niyo to pagdating niyo. Ang saya talaga. Hehehe.
No comments:
Post a Comment