Alam niyo ba, kung di pa ako magtrabaho dito sa NZ, di ko pa malalaman (or at least maaappreciate) na pang-International talaga ang Pinoy. Ako po ay naka-linya sa Telecommunications, and for the past 5 years of my life in my previous company at sa larangang ito, I never thought na ang dami palang Pinoy out there na naka-linya sa Telecommunications. Ganito kasi yon, na-assign ako sa International Division ng Telecom. Bale ang trabaho po namin, eh makipag-coordinate sa mga Telecom Services Companies sa iba't ibang parte ng mundo na meron kaming inter-connection - be it complaints, testing, etc. Ngayon pong 4 months na akong part ng grupo na ito, na-amaze ako sa mga natuklasan ko... Maraming Pinoy na naka-assign din sa mga foreign counterparts namin.
Like for example, kanina, me ka-coordinate akong tao from an Australian Telco. Ang tagal naming nag-uusap ng English. Then nung magpapaalam na, at nagtanungan ng pangalan, naglakas loob na syang magtanong kung Pinay ba ako. Cue ko na yon. I said yes, exhaled with relief, then followed it up with "Grabe ang hirap noh?! Hehehe. So kamusta naman kayo...."
Hindi lang sa OZ, meron din kaming nakakausap from Hongkong, Singapore, Japan, UAE, US, Saudi Arabia, Canada, at marami pang iba - lahat sila ay na-assign sa International group nila. Haaay, after every conversation, lalo akong nagiging proud to be a Pinoy.
No comments:
Post a Comment