Ilang friends ko rin dito sa Wellington ang nabigla at natawa nung sinabi kong pupunta kami ng Palmerston North this weekend. The instant question is - ano naman ang gagawin niyo don? Kesyo wala naman daw masyadong mapapasyalan doon. Bakit daw kelangan pang mag-overnight eh 2-hour drive lang naman yon. Kaysa Palmy daw, pumunta na lang daw kami ng Taupo or Rotorua. Nahihiya na tuloy ako minsan na ipakita ang excitement ko sa nalalapit na weekend getaway namin na yon - not to mention na apat lang kaming susugod sa lugar na yon, at panalo pa ang weather forecast sa Palmerston for that weekend - heavy rain with possible hale. Haaay, parang nakakatamad nga noh?
Buti na lang at nag-GO pa rin kami. Tuloy pa rin kahit malakas ang ulan sa ilang part na dinaanan namin. Oks naman ang byahe balikan kasi puro kwentuhan at tawanan sa loob ng sasakyan.
Day 1, Saturday - Almost 11am na kaming dumating sa Palmerston North. Ang aming first stop (according to our itinerary), Manfield Park - to watch the Victoria Club Motorcycle Race. Actually, nasa Fielding ito. Naka-raincoat kaming lahat. Naka-gloves, bonnet at iba pang rain gears while watching the race. It was awesome! It was the first time in my life (actually, our life), that we were able to watch a Race live and up close! ... and it's really one of the best experience I had so far since I arrived here in NZ. Nagsisigawan na kami habang nag-uusap dahil sa lakas ng tunog ng mga motorcycles - but we didn't care. All we know is that we really are enjoying what we are seeing. Kahit umuulambon at umuusok ang bibig namin dahil sa lamig, picture-picture pa rin.
Our next stop, NZ Rugby Museum. Oks ang collection dito, from the smallest Rugby pins, old cups, trophies to uniform and life size posters. Friendly pa ang mga tagabantay - binigyan pa kami ng short explanation about New Zealand Rugby. Di niyo 'to dapat palampasin kung magagawi kayo sa Palmy.
After visiting the museum, we're off to our next stop - Daytona Go Kart racing. Nagmamadali kami dahil naka-book kami for 4:15pm at 15 minutes lang ang itatagal ng race na 'to. After watching a race at Fielding, kami-kami naman ang magkakarera. Kahit ilang laps, kahit gaano kabilis, kahit ilang beses kang mabunggo, kahit magkamali ka ng puntahan (pit stop)...basta umikut ka lang nang umikot sa race track. Ang saya-saya...first time naming apat na mag-Go Kart (sadly, sa 20+ years ko sa Pinas, di ko nagawa to kahit minsan) at enjoy na enjoy talaga kame. Kung di lang mahal ang bayad ($26.50 - mahal na sa akin yan noh!), I'm sure uulitin namin yan....
We spend the night at Tita Rose's house c/o Kate (ka-backpacker ko at friend namin ni Achie). Kwentuhan, bonding at kainan. Funny, that's the first time na ma-meet ko si Kate personally. Sa email at backpack NZ ko lang kasi sya nakakausap.
Kinabukasan, around 10AM, nagpaalam na kami kina Kate at Tita Rose para pumunta sa Victoria Esplanade. Balak sana naming sumakay sa mini-Train kaso mukang di pa yata available that early so we just spent the day at the Esplanade park. Nag-Flying Fox kame (finally, napasakay ko rin si Partner!) at nagtatalun sa trampoline. Ang saya-saya. Parang kameng bumalik sa pagka-bata.
Then our last stop...The Ultimate Mini-Golf. Dito na kame nag-ubos ng oras. Tinapos naming ang 18-hole. Habang bumubuhos ang malakas na ulan sa labas ng Palmy Rec Centre, nagpapaka-enjoy naman kame sa paglalaro sa loob.
Umuwi kaming wala ni isang bakas ng panghihinayang. Puro kwentuhan - nag-enjoy ang lahat sa gimik na yon. Thanks nga pala to Jing and Mike - sila po ang kasama namin ni Partner sa gimik na yon. Thanks din to Tita Rose and Kate for accomodating us.
No comments:
Post a Comment