Wednesday, October 19, 2005

My IELTS Experience...

Hi everyone! Gusto ko lang po i-share ang experience ko sa IELTS exam ko last June 11.

Sabi nga nila, madali lang ang IELTS, time pressure lang ang kalaban mo, lalo na sa writing portion. Sa case ko, di ko natapos ang 2nd part ng writing ko. Kasi naubos na ang oras. Ang maling style ko kasi, gumawa pa ako ng draft sa exam booklet. Dapat pala, dineretso ko na agad sa answer sheet. Kinapos tuloy ako ng oras. Naka- 1 1/4 page lang tuloy ako, although natapos ko naman yung draft ko. Siguro umabot lang sa 150 words yung second part ko. Siguradong may penalty yun. Sayang nga e. Tuloy ngayon, medyo tagilid ako. I'm praying na lang na sana mag-OK ako sa ibang test. Like sa Listening and Reading, mukang OK naman. Kalaban mo lang sa Reading yung choice na ' NOT GIVEN'. Pasaway na sagot, di ba? Hehehe.

June 13 yung speaking test ko. 10:40 am sa MEZZANINE DAHLIA ng DUSIT HOTEL. Medyo napaaga pa nga dahil hindi dumating yung nauna sa akin sa sched (Si Bing pala ito from pinoyimmigrants.com! Hehehe). Buti na din para matapos na ang kaba.

Sa SPEAKING naman, I'm glad na medyo may alam ako sa TOPIC na pina-discuss niya: DISCUSS A BOOK THAT YOU WOULD LIKE TO WRITE (eg. novel), ETC. At yung mga follow-up questions, of course, related dun. Like, compare yung income ng writer sa engineer (dahil engineer ako). Since sabi ko I love to write novels, bakit di ko daw na-pursue yung ganung career instead of engineering.. .Stuff like that. Tama sila, di nga ngumingiti yung interviewer, pero nawala na ang kaba ko kasi PINOY din sya.

At first, medyo kinakabahan ako sa magiging result ng exam ko. Yung kasabay kong friend, mukhang OK naman ang exam niya. Nakangiti after nung written exam, tapos nag-thumbs up pa sa akin after ng speaking test niya.

THE RESULT:
Surely after two weeks eh, bumalik kami ng friend ko sa IDP to get our exam result - or what they call TRF (Test Result Form). Halos magtatalon kami sa tuwa nung makita namin ang result ng aming exam. 'Want a taste of it? Here goes!

LISTENING: 8.5
READING: 8
WRITING: 7
SPEAKING: 7

Friend ko --

LISTENING: 7.5
READING: 8.5
WRITING: 7
SPEAKING: 7

Pareho kaming nag-average ng 7.5! Grabe ang saya-saya di ba?

Well, that's about it! ' Hope me napulot naman kayo sa nai-share ko.

1 comment:

hema said...


Great Post with valuable information. I am glad that I have visited this site. Share more updates.
IELTS Coaching centre in Chennai
IELTS Training in Chennai