Nalalapit na ang flight ko papuntang New Zealand. Ilang araw na lang ang binibilang ko at magiging iba na ang kapaligirang kikilusan ko. Magkahalong lungkot at excitement ang nararamdaman ko ngayon. Lungkot - dahil lilisanin ko na ang lugar na aking kinalakihan. Excitement – dahil ina-anticipate ko ang adventure na haharapin ko New Zealand.
Ironic nga eh. Mula pagkabata ko eh, gustung-gusto ko nang lisanin ang lugar na ito. Napansin ko kasi na ang mga tao rito, kuntento na dito sa lugar na ito. Dito bumubuo ng magiging pamilya. Dito na magaaral. Dito magta-trabaho. Dito lang ang mundo nila. Bata pa ako, nabuo na sa isip ko na ayokong tumulad sa mga taong ito. Pakiramdam ko, ang bagal-bagal ng buhay nila. Yes, Ironic, kasi nung magkaroon ako ng pagkakataon na makatakas sa lugar na ito – sa halip na purong kaligayahan, nakaramdam pa rin ako ng lungkot na lisanin ito.
Habang nakasakay ako sa jeep at binabaybay ang kahabaan ng Navotas patungo sa Sampaloc kung saan ako nagtatrabaho, unti-unti kong nare-realize na marami pala akong mami-miss sa lugar na ito. For the benefit of my readers, iisa-isahin ko ito – lahat ng maaalala ko….
TRAYSIKEL
Ito ang una kong mami-miss. Alam kong walang ganito sa New Zealand o sa kahit anong parte pa ng mundo. At sa Pilipinas, alam kong bibihira lang ang lugar na may ganitong klase ng traysikel. Yung mga friends ko ngang tagaibang lugar na napapadpad sa amin, natutuwa at nagtataka kapag nakikita ang mga traysikel dito sa Navotas. Kakaiba daw. Ang traysikel kasing alam nila, yung de-motor (Meron din kami dito nun pero traysikel de-motor ang tawag naming) at kung may de-padyak mang sasakyan silang alam, eto yung tinatawag na pedicab.
PUTO-SULOT
Alam niyo ba kung ano ito? Ilan na rin sa mga kaibigan ko ang nagtatanong kung ano ba itong puto-sulot. Nakakatawa ang pangalan di ba? Actually, kamag-anak ito ng puto-bumbong or puto taktak (yung kulay violet na kakanin na sikat lalo na pag magpa-Pasko). At dito sa Navotas, kapag nakakita kayo ng isang tindahan na nagtitinda ng puto-bumbong, siguradong me tinda rin itong puto sulot. Pareho ng paraan pagluluto pero magkaiba ng way ng pagha-hango from the kalan at syempre, magkaiba ng ingredients. Ito kasing puto sulot (as the name implies), sinusundot ng bakal ang kabilang butas ng bumbong para lumabas ang finished product. Di tulad ng puto-bumbong na tinataktak para lumabas. Actually, malagkit na bigas lang ito na niluluto sa steam. Kapag luto na, para na itong BIKO na nakalagay sa bumbong. Dahan-dahan itong ilalatag sa dahon ng saging, bubudburan ng asukal at niyog. Grabe ang sarap nito. Lalo na kung ihahalo sa champorado. Yummy.
TAPAHAN
Familiar ba kayo dito…lalo na sa amoy nito? Haaay, nung nakatira pa ako sa looban ng Navotas, isa ito sa madalas na problema ko. Pag nadadaan ako dito, di ko magustuhan ang amoy. Samahan mo pa ng bestfriend niyang BAHA! Ay! Ang lansa at ang baho ng tubig. Kadiri! Funny, though, mamimiss ko rin ito pag-alis ko. Onli in da Pilipins din kasi to e.
PATISAN
Haaay, ang pinsan ng TAPAHAN! Op kors, since magpinsan sila, halos pareho sila ng amoy. Pero masarap na sawsawan ang patis ha. Ewan ko lang kung merong marunong gumawa ng patis sa NZ. Kung wala, patay! Pano na ang ulam ko – walang buhay kung walang patis! Mami-miss ko talaga to.
FIESTA
Di ko rin alam kung may nagdiriwang ng fiesta sa NZ. Ang alam ko lang is may mga catholic church don. Dito sa amin sa Navotas (lalo na sa Bgy. San Roque), ang saya ng fiesta! Last Sunday of January ginaganap pero sabado pa lang, naghahanda na ang lahat. Actually, weeks before, may mga mini-stage na naka-harang sa daan ng jeep. May mga nagkakabit na ng banderitas. Me contest kasing pagandahan ng gayak ng arko at iskinita sa lugar naming. Sabado, halos lahat nagluluto ng HALAYA at iba pang handa. Lakad ng lakad ang mga tao. Yung simbahan, napapaligiran ng mga sidewalk vendors na puro laruan ang tinda.
Naalala ko nung kabataan ko, gusting-gusto ko na pagkatapos naming magsimba eh, daraan kami sa hilera ng mga tindera ng laruan. Dami talagang laruan, parang Divisoria.
BAHA
For the grand finale…Siyempre, di ito mawawala sa listahan. Trademark yata ito ng Navotas! Kapag binanggit ang salitang Navotas, siguradong kasunod na ang salitang baha. Minsan nga, naisip ko na baka ito ang apelyido niya. Hehehe. As usual, ilang linggo bago ako umalis ng Pinas, binabaha pa rin ang Navotas (pero hanggang sakong lang naman – yan ang depensa ko) kahit walang ulan…lalo na kung high tide. Kaya tuloy kapag sinabi mo sa taxi driver na sa Navotas ang destination mo, marami pa rin ang napapa-atras.
Ako, ayokong-ayoko nito. Ang baho kasi. Sari-saring basura ang makikita mong nakalutang. Meron pang malalansang bituka ng isda (galing sa malapit na tapahan), malansang tagas ng patis, dumi ng tao at hayop, mga basurang dating nakakalat, ngayon ay inaanod na papunta sa katabing ilog.
What dýou know? Mami-miss ko rin ito!
6 comments:
Hello Pricess SARAH,
Nakaka-relate ako sa yo. Ilog lang ang pagitan natin di ba. he he he.
Good luck sa yo dyan sa Welly.
i'm so happy for you. tunay na pinagpapala ang mga mababait na tao.
Hi Ka Uro,
I'm so honored naman po na binasa mo ang blog ko. Hehehe. Thanks po. Mabait ba ako? Hehehe. Siguro may kanya kanyang time lang talaga tayo. Whenever you ask the Lord for something, ibibigay niya naman yan sa atin - sa tamang panahon. Maybe ngayon na ang time ko (kasi kelangan kong kumita ng mas malaki for my bebi. hehehe)
"jinkee said...
Hello Pricess SARAH,
Nakaka-relate ako sa yo. Ilog lang ang pagitan natin di ba. he he he.
Good luck sa yo dyan sa Welly. "
Hi Jinkee. Thanks for reading my blogs. Ilang buwan ding nilangaw to eh. Hehehe. Jok Jok
Post a Comment