Niyaya ako nila Mon I na maglaro ng badminton sa Karori Recreation Centre kaninang 2pm. Nagsuggest siya na mag-bus na lang ako from Lambton Quay to Karori Mall - Bus No. 12 daw ang sakyan ko. Binigyan niya pa ako ng Bus sked para guide ko sa pagsakay. Yung Karori Recreation Centre ay nasa likod lang ng Karori library - just across Karori Mall. Ok lang naman daw kasi may bus stop sa mismong tapat ng Karori Mall/Library - so madali lang daw matunton.
Around 150PM, nasa bus stop na ako. May nakita akong dumaan na Bus No. 12. Taka pa ako at di huminto sa bus stop na kinaroroonan ko. Taka talaga ako so I called up Mon and ask why. Sabi niya, parahin ko raw yung Bus dahil di raw hihinto yun kung di paparahin! Nyek, kaya pala....Kakahiya naman ke Mon I. Buti na lang siya lang ang nakakaalam nito (sabay pinost sa Blog noh?? hehehe). Ayun, so hintay na lang ulit ako ng susunod na byahe and this time, papara na talaga ako. Nyehehe.
After 10 mins, another Bus No. 12 arrived. Dali-dali akong tumayo sa bus stop - as instructed by Mon, tayo daw ako sa tapat ng Pastoral House Lambton Quay - proudly, pinara ko ang Bus. Nakita ko ang driver na itinuturo yung susunod na Bus stop. Ibig sabihin, doon siya hihinto. Takbo tuloy ako don. Buti na lang at may iba pang sasakay so hindi naman ako hinintay.
Pang-apat ako sa sumakay so nagkaroon ako ng chance na mag-observe sa mga sumasakay. Na-amaze ako sa nakita ko....
Yung driver, may sariling cash register! Hehehe. Cool! Anung sinabi ng mga bus driver sa Pinas? Bawat sumasakay, nagbabayad muna sa kanya (either cash or yung tinatawag na 10-trip ticket). Lahat nun e ip-punch niya sa cash register at lalabas ang resibo. Sabi ni Mon I, Bus ticket daw yon, pero tingin ko resibo eh. Hehehe.
Maluwag yung mga bus nila. At yung upuan, magkatalikuran. Ok diba? Sa harap ka lang pwedeng sumakay - common sense na kasi nandun ang bayaran diba? - pero pag bababa, harap at gitnang pinto, pwede.
Naibaba naman ako ng driver sa destination ko - Karori Mall/Library. Natunton ko naman agad ang sinasabi nilang Recreation Centre. Pagbukas ko ng pinto, nakita ko si Myrna U. Tuwang-tuwa ako (kasi alam kong di ako naligaw). Nasabi ko na lang na "Yes". So, on with the badminton game. (Special mention to Hayley, Rita, Faiga and Armi of Pinoyz2nz: iinggitin ko lang kayo, hehehe)
O yan na lang muna ha....Until my next New zealand adventure!
Special Hi to all Pinoyz2nz and Wlgnzpinoys members and moderators!
4 comments:
Rhose,
Alam na ng tribung P2NZ na dinedma ka nung unang bus kasi di mo pinara. he he he.
Naks, pa-badminton-badminton ka na dyan. I'm glad that you're getting adjusted to your new life.
Ingat ka lagi.
Yup. We are very happy for you.
Thanks mga katoto. Actually, nandun ako kila Mon I nung pinopost niya yung tungkol sa Bus Ride na yan. At that same time, ginagawa ko rin tong blog na to. Naunahan ako eh. hehehe.
member din po ako ng P2NZ, actualy sa forum ko nadiscover blog mo, mejo nakakainspire nga eh, anyway, just want to comment about bus ticketing, actually i already had a blog entry about it...
http://rubyotero.blogspot.com/2006/01/computerized-bus-ticketing.html
Post a Comment