Tuesday, January 24, 2006
"OWLCATRAZ" Experience
OWLCATRAZ, Shannon, New Zealand – Ito ang isa sa una kong napasyalan dito sa NZ. Dinalaw namin ito last 23 January (Wellington Day). Isa itong native bird and wildlife park. Sanctuary ito ng ilang native owls ng New Zealand at iba pang mga hayop na ngayon ko lang nakita sa buong buhay ko - like a furry pig (kune pig), a giant brown cow and a giant white cow (I think!). Meron ding Lama, Deers (surprisingly, maamo ang mga deer dito! Kumakain sila sa palad mo.), Weka (muka siyang kiwi bird na kasing laki ng manok…and for a two-legged bird, mabilis siyang tumakbo ha!).
Meron din kaming pinasok na isang cave. Wairuru cave ang tawag nila. Pagpasok mo dito, wala kang makikita kundi darkness...and thousands and thousands of glowworms! Alam niyo kung ano yun? Ako hindi! Yung glow lang kasi nila ang nakita ko…Tiny circle glow, parang alitaptap yung liwanag na nanggagaling sa kanila. Nakakapit lang silang sa mga stalactites ng cave. Di ka pwedeng mag-ingay dahil baka mabulabog sila.
Isa pang napansin ko dito is yung mga pangalan ng mga owls. Eto ang mga pangalan nila, as far as I can recall it:
OWL CAPONE
OWL FALFA
OWLIVIA NEWTON-JOHN
OWLVIS PRESLEY
OWLE MACPHERSON
OWLMO
Gumastos ako ng $16 dollars as entrance fee pero worth naman kasi maganda talaga ang lugar.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
1 comment:
asus, yun pala ang Owlkatraz. Akala ko naman eh nabilibid na kayo dya :-)
Post a Comment