One week pa lang kaming nakatira dito sa aming apartment. Wala pang car so 100% na nagre-rely sa bus kung pupunta kami sa CBD and other suburbs.
Last night, we rode a bus ulit pauwi. My partner and I chose to sit sa first row (yung alloted seats para sa matatanda at disabled. Hehehe). We heard the bus driver muttering some words. His voice is so low that we cannot understand it. Pero I suspect na kami ang kinakausap dahil panaka-naka siyang tumitingin sa amin sa rear view mirror niya.
Kinalabit ko si partner and binulungan: "Tayo yata ang kinakausap ng driver." So napatingin na rin si Partner. Nung nakita kami nung driver na nakatingin pareho, he said: "Kamusta kayo?" Shocked, sabay pa kami ni partner na napasmile at napasagot ng "Ok naman po." - sabay hinga ng malalim. Shocked kami coz we didn't expect na Pinoy ang driver - considering yung hitsura niya. He is in his 40's, may makapal na bigote, mestiso, balbon at di naman maliit. Hinding hindi mo iisipin na Asian sya. Kaya gulat talaga kami. And mind you, deretso ang tagalog niya. Hehehe.
So ayun, nagkwento na siya..Kung saan siya nakatira dito sa Wellington at sa Pinas, kelan pa sya nandito, his views about NZ, about sa mga kabataan dito, etc. Parang naiimagine nga namin na nakasakay kami sa harap ng jeep, at nakikinig sa makwentong jeepney driver. Hehehe. Hihinto lang siya pag nasa bus stop dahil magsasakay siya ng pasahero.
Eto pa ang nakakatuwa, nahinto siya sa isang bus stop na maraming sasakay (Puti, Asian, etc). Habang isa-isa niyang kinukuha ang bayad or pina-punch ang mga pass, lam niyo ba ang sinasabi niya sa mga pasahero - mapa Puti man o Asian? "O sige, Next!", "O sige, Next!" "Sige, Next!" Di ko alam kung pinapatawa niya lang kami (pero pwamis, mukha siyang seryoso sa ginagawa niya."
Then nung malapit na kaming bumaba, tinatanong niya pa kami kung saan exactly kami bababa - na parang gusto niya pa kaming ibaba doon, kahit alang bus stop. Hehehe. Feeling tuloy namin, para kaming nasa Pinas lang - na kahit nasa gitna ng kalsada eh, pwede kang pumara.
Anyway, nagshare lang po ako ng isang magandang experience ko dito sa NZ - one of the many things na nagpapagaan ng buhay dito.
No comments:
Post a Comment