I received a text message from the Philippines last week. My 3 1/2 year-old daughter will take the entrance exam in one of the Catholic Schools in my hometown. Katatapos ko lang mag-lunch non and I'm so excited to hear about it with these words echoing constantly in my head: "My baby's grown! She's going to school!". In between the excitement, naramdaman ko na nag-iinit ang gilid ng mata ko. Nangingilid na pala ang luha ko! Then I realised... Isa pala itong milestone in her life... And I, the mother, weren't even there to give her support. Sobs!
She was with her grandpa and a friend. I asked them if my baby's afraid to go to school. Sabi nila, excited daw na pumasok. Nasa bahay pa lang daw, lagi nang sinasabi sa kanila na huwag na siyang samahan sa loob ng school at baka magalit ang teacher. Sa gate na lang daw sila maghintay. Then another tear from my eye... "My baby's all grown up!"
I kept asking them hanggang matapos ang exam ni Baby. Nagkwento siya, madali naman daw ang exam... Written and Oral. Medyo kinakabahan pa nga ako... Ano naman ang pwedeng tanungin sa isang 3 1/2 yo na bata, na wala pang experience going to school? Anyway, the result is after a week daw so hintay kami.
After a week, I received another text. Good news, they said... My daughter passed the entrance exam! Magkahalong happiness at excitement ang na-feel ko. Proud na proud ako. Haaay, ganun pala ang feeling ng isang nanay kapag may achievement ang anak niya. I just hope na nandun ako to celebrate with her...
One day, I'm still praying, magkakasama din kami dito sa NZ. One day.
No comments:
Post a Comment