Thursday, February 23, 2006

HALE in the City

Meron akong isang magandang experience this morning... around 10 AM, while I'm at L10 of Telecom House - working - I saw dark clouds rapidly moving towards our location.... from a nearby mountain. Kitang-kita kasi ang langit at Wellington harbour sa building namin na located along Jervois Quay.

Medyo nakakanerbyos kasi maaraw at one point then nung dumating nga yung mga dark clouds (me bonus pang malakas na hangin ha), syempre, medyo dumilim sa paligid. Maya-maya, pumatak ang ulan. Nagtataka ako kung bakit sobrang ingay ng ulan, di naman sobrang shower. At nung sumilip nga kami ng isa kong opismeyt, ayun, nagtatalsikan ang mga maliliit na yelo sa mga bintana, etc. Natuwa na ako... kasi I realized na first time kong naka-witness ng HALE - first hand! Mababaw sa iba, pero sa akin, malaking bagay kasi ngayon lang nga ako nakakita nito. Hehehe. Balak ko sanang manghuli ng yelo para ilagay sa scrapbook ko, kaya lang baka matunaw eh. Jok. Jok.

'Pag nandito talaga kayo sa Wellington, marami pa kayong iba't ibang klase ng weather na mararanasan na wala sa Pinas. And you know what's odd about it? You can have 3-4 weather changes in a day!

Happy reading!

No comments: