Thursday, February 23, 2006

HALE in the City

Meron akong isang magandang experience this morning... around 10 AM, while I'm at L10 of Telecom House - working - I saw dark clouds rapidly moving towards our location.... from a nearby mountain. Kitang-kita kasi ang langit at Wellington harbour sa building namin na located along Jervois Quay.

Medyo nakakanerbyos kasi maaraw at one point then nung dumating nga yung mga dark clouds (me bonus pang malakas na hangin ha), syempre, medyo dumilim sa paligid. Maya-maya, pumatak ang ulan. Nagtataka ako kung bakit sobrang ingay ng ulan, di naman sobrang shower. At nung sumilip nga kami ng isa kong opismeyt, ayun, nagtatalsikan ang mga maliliit na yelo sa mga bintana, etc. Natuwa na ako... kasi I realized na first time kong naka-witness ng HALE - first hand! Mababaw sa iba, pero sa akin, malaking bagay kasi ngayon lang nga ako nakakita nito. Hehehe. Balak ko sanang manghuli ng yelo para ilagay sa scrapbook ko, kaya lang baka matunaw eh. Jok. Jok.

'Pag nandito talaga kayo sa Wellington, marami pa kayong iba't ibang klase ng weather na mararanasan na wala sa Pinas. And you know what's odd about it? You can have 3-4 weather changes in a day!

Happy reading!

Wednesday, February 08, 2006

English Bloopers: Oh I see!

PART I
Kanina, bumili ako ng ilang bedroom thingies sa The Warehouse - duvet, flat sheet, pillows, etc. Nung magbabayad na ako, I asked the lady behind the counter, "How much is it?" Sabi niya, $106.60. Ang dinig ko, 166 dollars so nagbayad ako ng siyam (9) na 20-dollar bill. Kunut-noo yung babae. Then binalik niya sa akin yung tatlong 20-dollar bill...so ako naman ang nagtaka. Inulit niya pa sa akin, "One hundred six, sixty". Napangiti ako sabay sabing, "Oh, I see! I thought you said One hundred sixty six!"

PART II
SAUCE: Minsang kumain ako sa McDo, umorder ako ng Chicken Mc Nuggets meal. Tinanong ako kung ano ang drinks na gusto ko. "I said coke." Then tinanong niya ako ng "What sauce?" na ang dinig ko, what size. Sabi ko, medium. Kunot-noo yung cashier. Inulit niya... "what sauce...for the nuggets?" Napatawa ako... Sabi ko, BBQ. Grabe bloopers ko dito. Napaghahalata! hehehehe.

Saturday, February 04, 2006

Php 100 in my Pocket

$2.80, tumutunog sa bulsa ko kanina. Then I realised that I actually have Php 100 in my pocket... Dito sa NZ, barya lang sya... Hay Naku, nag-convert na naman si Rhose! Hehehe. Pasensya na, wala lang akong magawa e.

Friday, February 03, 2006

Windy Welly

I've heard from some of my friends here in Welly na around 70's daw, sa sobrang lakas ng hangin sa Wellington, the streets (particularly Jervois Quay) actually have ropes! Dito raw kumakapit ang tao para di liparin ng hangin. At first I thought this was just an exaggeration, but now, I'm starting to believe it na. FYI lang po.

Wednesday, February 01, 2006

Absent Si Mommy!

I received a text message from the Philippines last week. My 3 1/2 year-old daughter will take the entrance exam in one of the Catholic Schools in my hometown. Katatapos ko lang mag-lunch non and I'm so excited to hear about it with these words echoing constantly in my head: "My baby's grown! She's going to school!". In between the excitement, naramdaman ko na nag-iinit ang gilid ng mata ko. Nangingilid na pala ang luha ko! Then I realised... Isa pala itong milestone in her life... And I, the mother, weren't even there to give her support. Sobs!

She was with her grandpa and a friend. I asked them if my baby's afraid to go to school. Sabi nila, excited daw na pumasok. Nasa bahay pa lang daw, lagi nang sinasabi sa kanila na huwag na siyang samahan sa loob ng school at baka magalit ang teacher. Sa gate na lang daw sila maghintay. Then another tear from my eye... "My baby's all grown up!"

I kept asking them hanggang matapos ang exam ni Baby. Nagkwento siya, madali naman daw ang exam... Written and Oral. Medyo kinakabahan pa nga ako... Ano naman ang pwedeng tanungin sa isang 3 1/2 yo na bata, na wala pang experience going to school? Anyway, the result is after a week daw so hintay kami.

After a week, I received another text. Good news, they said... My daughter passed the entrance exam! Magkahalong happiness at excitement ang na-feel ko. Proud na proud ako. Haaay, ganun pala ang feeling ng isang nanay kapag may achievement ang anak niya. I just hope na nandun ako to celebrate with her...

One day, I'm still praying, magkakasama din kami dito sa NZ. One day.